Home SPORTS French sports minister lumangoy sa Seine bago mag-Olympics

French sports minister lumangoy sa Seine bago mag-Olympics

106
0

PARIS – Sumabak at lumangoy ang Ministro ng Palakasan ng France na si Amelie Oudea Castera River Seine upang patunayan na malinis ang ilog ng kabisera at handang magsagawa ng mga swimming event sa Olympic Games.

Saglit na lumangoy si Castera sa Seine malapit sa mga tulay ng Alexandre III at Invalides.

Tatakbo ang triathlon at marathon swimming legs ng Olympics mula Hulyo 26 hanggang Agosto 11 at gagawin ito sa Seine.

Ginamit ang sikat na ilog noong 1900 Paris Olympics.

Nagtaguyod ng kampanya ang Mayor ng Paris na si Anne Hidalgo upang linisin ang madalas na maruming ilog sa oras para sa mga laro at nangako rin na lalangoy sa Seine upang markahan ang pagdating ng Olympics sa Paris at ang pagiging angkop ng ilog para sa mga swimming event.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here