Home HOME BANNER STORY Accountant ni Alice Guo, inaresto ng Senado

Accountant ni Alice Guo, inaresto ng Senado

100
0

MANILA, Philippines- Idenetine ang sinasabing accountant ni suspended Bamban Mayor Alice Guo, si Nancy Gamo, matapos itong maaresto ng Office of the Sergeant-At-Arms ng Senado nitong Sabado.

Iniulat ng OSAA kay Senate President Francis Escudero na sumailalim sa medical checkup si Gamo matapos siyang dalhin sa Senado sa Pasay City at nakatakda siyang manatili sa pangangalaga ng awtoridad habang dinidinig ang illegal POGO hub sa Bamban, Tarlac.

Tungkulin ni Gamo na maghain ng dokumento sa negosyo ng pamilya Guo na nasa mabuting kalagayang medikal.

Bukod kay Gamo at Guo, ipinaaresto ng Senado ang anim pang indibidwal kasama ang kapatid ng alkalde matapos silang mabigong dumalo sa pagdinig ng Senado.

Apat na arresting team ang ipikalat ng Senado upang isilbi ang warrant of arrest kina Guo, Gamo, Dennis Cunanan, at kaanak ng alkalde na sina Sheila Leal Guo, Wesley Leal Guo, Jian Zhong Guo, Seimen L. Guo, at Wenyi Lin.

Binigyan ang OSAA ng 24 oras upang maaresto ang lahat ng taong nakalista sa arrest order at ideteni sa Senado.

Pero, hindi makita ng arrestign teams ang alkalde at kapalit nito nitong Sabado.

Hindi rin bumabalik sa kanyang tahanan si Guo ayon sa caretaker nito.

Nabigo ring maaresto ng OSAA ang kapatid ng alkalde sa isang garment factory sa Valenzuela City na sina Siemen, Sheila, at Wesley. Hindi rin nakita ang alkalde at kapatid nito sa isa pang garment factory ng alkalde sa Marilao, Bulacan.

Bigo ang Senado na maaresto si Dennis Cunanan ngunit nangako itong dadalo sa susunod na pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here