Home NATIONWIDE Fresh grads muling hinimok ni Dizon na magtrabaho sa DPWH

Fresh grads muling hinimok ni Dizon na magtrabaho sa DPWH

158
0
Larawan kuha ni Cesar Morales

MANILA, Philippines – Hinimok ni Public Works Secretary Vince Dizon ang mga kabataang propesyonal at fresh graduates na sumali sa Department of Public Works and Highways (DPWH) bilang bahagi ng mga reporma sa ahensya.

Sa ikalawang DPWH Job Fair na ginanap sa De La Salle University sa Maynila nitong Huwebes, sinabi ni Dizon sa mga estudyante, “There is hope. But there’s no hope if people like you don’t join us.”

“There are a lot of bad breads here, so we have to take them out and replace them with you guys,” dagdag pa niya.

Mahigit 400 aplikante ang lumahok sa job fair, na isasagawa rin sa iba pang mga paaralan at unibersidad sa buong bansa. Nauna nang ginanap ang unang job fair sa Mapua University.

Isinasagawa ang recruitment drive sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang makakuha ng mga “idealistic” at “dynamic” na kabataang propesyonal at maibalik ang tiwala ng publiko sa pamahalaan.

Bukod sa mga inhinyero, naghahanap din ang DPWH ng mga accountant na magsasagawa ng audit sa mga proyekto ng gobyerno.

Isinasagawa ang hakbang na ito sa gitna ng malawakang iskandalo sa korupsiyon sa mga flood control project ng DPWH na kinasasangkutan ng mga opisyal, pulitiko, at pribadong indibidwal. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here