Home NATIONWIDE Frontal system magpapaulan sa Luzon

Frontal system magpapaulan sa Luzon

MANILA, Philippines – Ngayong Martes Santo, magdadala ng maulap na kalangitan at pag-ulan ang Frontal System sa pinakahilagang bahagi ng Luzon, lalo na sa Batanes, Cagayan, at Apayao, na posibleng magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa.

Apektado naman ng Easterlies ang natitirang bahagi ng bansa, kung saan magkakaroon ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.

Maaaring makaranas ng panaka-nakang pag-ulan ang Metro Manila at iba pang lugar.

Katamtaman ang lakas ng hangin sa Hilagang Luzon, habang banayad hanggang katamtaman naman sa natitirang bahagi ng bansa, pati na rin ang alon sa dagat. RNT