Home NATIONWIDE Fruit-led exports nagpaliit sa farm trade gap ng PH — DA

Fruit-led exports nagpaliit sa farm trade gap ng PH — DA

281
0

MANILA, Philippines — Mas lumiit ang agricultural trade deficit ng Pilipinas noong 2025 matapos tumaas ang farm exports, pangunahin dahil sa malakas na bentahan ng tropical fruits at pagbaba ng imports, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa $884.77 milyon ang agricultural exports noong Disyembre 2025, 19% na mas mataas kumpara noong nakaraang taon at katumbas ng 36% ng kabuuang farm trade.

Samantala, pumalo sa $1.55 bilyon ang imports o 64% ng kabuuan, na nagresulta sa $668.35 milyon na trade deficit, mas mababa ng 24% year-on-year.

Pinangunahan ng edible fruits at nuts ang exports na may halagang $329.72 milyon o 37% ng kabuuang farm exports.

“Ani na natin ngayon ang bunga ng pagpapalawak ng ating farm export products at pagbubukas ng mga bagong merkado,” ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Tinukoy ng DA ang 12 high-value crops na itinutulak sa global market, kabilang ang banana, mango, pineapple, durian, avocado, cacao, calamansi, pomelo at rambutan, na may mataas na demand sa Asia at Europe.

Pinakamalaking buyer sa Southeast Asia ang Malaysia na may $58.1 milyon imports, habang umabot sa $220.40 milyon ang exports sa European Union, kung saan $154.4 milyon ay napunta sa Netherlands.

Sa panig ng imports, bumaba ng 6.2% ang agricultural purchases noong 2025, habang ang top 10 commodity groups ay humina ng 7.6%. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here