Home NATIONWIDE Fuel subsidy sa PUV drivers, riders ibigay na – solon

Fuel subsidy sa PUV drivers, riders ibigay na – solon

MANILA, Philippines – Matinding kinalampag ni Senador Grace Poe ang Department of Transportation (DOTr) na kaagad ipalabas ang fuel subsidy sa lahat ng public utility vehicle drivers kabilang ang taxi, rie-hailing services at delivery platform sa gitna nang lumolobong halaga ng petrolyo.

Sa pahayag, sinabi ni Poe, dating chairman ng Senate committee on public services na kailangan nang gamitin ng DOTr ang P2,5 bilyong badyet na inilaan ng Kongreso bilang fuel subsidy sa PUVs laban sa tumitinding sigalot sa pagitan ng Israel at Iran,

“The fuel subsidies to our drivers must be released with dispatch,” ayon kay Poe.

Aniya, naglaan ang Kongreso ng P2.5 bilyon sa2025 national budget upang gamitin bilang fuel subsidy sa public transport sakaling magkaroon ng sitwasyong panggipitan tulad ng giyera sa pagitan ng Israel at Iran.

“The 2025 national budget has earmarked P2.5 billion for this, which will cover drivers of public utility vehicles, taxis, ride-hailing services and delivery platforms,: ayon kay Poe.

Kasali ang paglalaanan nito ang magsasaka at mangingisda na apektado ng pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo sa pamamagitan ngP585 milyon alokasyon sa Department of Agriculture (DA).

“We trust that the amount to be released per beneficiary will be reasonable to help cushion the impact of oil prices,” ayon kay Poe.

“We also expect the concerned agencies to speed up the paper works to avert delays in the distribution,” giit ng senador.

Aniya, sobrang pumalo nang mataas ang halaga ng produktong Langis kaya kailangan ang pagtulong ng pamahalaan sa pinakamabilis na pamamaraan.

“Price hikes hit hard and fast; government intervention might be just as quick,” aniya. Ernie Reyes