MANILA, Philippines- Inaasahang kakalusin ng Philippine National Police (PNP) ang full alert status nito ngayong Huwebes, Nobyembre 2, kasunod ng tinawag nitong matagumpay na ]barangay elections at paggunita ng All Saints’ at All Souls’ Days, o kilala bilang Undas.
Ani PNP chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. ipauubaya niya sa local commanders kung pananatilihin ang highest security alert status depende sa sitwasyon sa kanilang mga pinamamahalaang lugar.
“Our full alert status will be until Undas, our uniformed personnel also deserve a rest, they also need to be their family,” pahayag ni Acorda.
Sa ilalim ng full alert status, kanselado lahat ng leave upang matiyak ang 100 porsyentong pagpasok ng mga pulis para sarpeace at order-related duties.
Mahigit 187,000 pulis ang ipinakalat upang tiyakin ang seguridad ng barangay and Sangguniang Kabataan elections, kung saan itinalaga sila ilang araw bago sumapot ang Oct. 30 elections upang magbantay sa checkpoints at police visibility patrols.
Gayundin, mahigit 22,000 pulis ang itinalaga upang ipatupad ang security measures para sa Undas.
Sa kasalukuyan, ayon kay Acorda, wala silang naitalang banta sa kapayapaan at kaayusan saan mang parte ng bansa, lalo na at tapos na ang halalan.
Subalit, aniya, nananatiling nakabantay ang mga pulis upang masiguro ang kaligtasan ng milyon-milyong Pilipinong inaasahang uuwi matapos ang long weekend. RNT/SA