Home SPORTS FUTSAL: Pinay5 giba sa Vietnam

FUTSAL: Pinay5 giba sa Vietnam

MANILA, Philippines – Nagpaalam ang Pilipinas sa pag-asa nitong ASEAN Women’s Futsal title matapos yumuko sa Vietnam, 6-1 sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Kinakailangan talunin ng Pilipinas ang Indonesia sa pamamagitan ng 2 goals upang makuha ang 3rd place sa palaro kung saan hawak nila last place sa kartadang  0-2-1 win-loss-draw record.

Kung hindi, tatapusin ng Filipinas ang inaugural five-nation tournament bilang huling puwesto na koponan.

Umusad naman ang  World No. 11 Vietnam (3-0) sa  championship match kontra sa kapwa nila walang talong  Thailand (3-0) na may isang laro pang natitira sa kanilang iskedyul.

Nanatiling nasa loob ng striking distance ang Pilipinas sa halftime dahil isang goal lang ang Vietnam courtesy of Tran Thi Lan Mai sa 7:20 mark ng first half.

Ngunit kinumpleto ni Tran ang kanyang brace sa ikalawang kalahati, na nagpasiklab ng limang-goal tally ng Vietnam upang makalayo nang tuluyan.

Naitala ni Alisha del Campo ang nag-iisang goal para sa Pilipinas sa 15:57 mark ng second half, ngunit hindi na nahabol ng Pinay5 ang offensive firepower ng Vietnam.

Nauna rito, dinomina ng Indonesia ang Myanmar, 7-0, para sa kanilang unang panalo sa regional tournament.

Kung ang Pilipinas ay hindi makakuha ng dalawang-goal na pagkakaiba sa kanilang laban laban sa Indonesia, ang Myanmar ay maglalaro para sa tansong medalya.

Gaganapin ngayong Huwebes ang medal rounds, kasama ang championship game,sa parehong venue.JC