Home NATIONWIDE Catch-up immunization campaign, inilunsad

Catch-up immunization campaign, inilunsad

Nagtungo sa ibat-ibang barangay sa lungsod Navotas ang mga healthcare workers, bilang vaccinator para sa kampanyang Chikiting Ligtas 2024 upang mabigyang proteksyon ang mga kabataan laban sa polio.

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Department of Health-Metro manila center for Health Development (DOH-MMCHD)ang catch-up immunization campaign upang mabakunahan ang 107,995 bata laban sa vaccine-preventable diseases.

Target ng inisyatiba na mabakunahan ang nasa edad 0-23 buwan sa National Capital Region (NCR) na nakaligtaang bakunahan ng BCG vaccine, hepatitis B, Bivalent oral polio vaccine (bOPV), pentavalent vaccine, pneumococcal conjugate vaccine (PVC), inactivated polivirus vaccine (IPV) at measles, mumps, at rubella (MMR) vaccine.

Ang mga buntis naman ay babakunahan ng tetanus-diphtheria (TD) at ang mga nakatatanda na 60 taong gulang ay makakatanggap din ng kinakailangang bakuna.

Inilunsad ang catch-up immunization campaign sa Caloocan Sports Complex sa Caloocan City at dinaluhan ng mahigit 250 mga bata, buntis, at matatanda.

Ang programa na tatakbo hanggang Disyembre 16 ay layon na mapataas ang fully immunized child coverage sa Metro manila sa 95 porsyento at mabawasan ang bilang ng zero-dose children sa rehiyon.

Noong unang bahagi ng buwang ito, inamin ng DOH-MMCHD na ang mga katuparan nito para sa school-based nationwide vaccination program ay mababa pa rin sa kanilang target. Jocelyn Tabangcura-Domenden