Home NATIONWIDE DOH namahagi ng chlorine tablets sa evacuation centers

DOH namahagi ng chlorine tablets sa evacuation centers

MANILA, Philippines – Namahagi ang Department of Health (DOH) ng mga chlorine tablets sa mga evacuation centers kasunod ng nagdaang sunod-sunod na pananalasa ng bagyo sa bansa.

Ito ay upang masiguro na ligtas at walang makukuhang sakit mula sa inuming tubig ang mga indibidwal lalo na sa mga binahang mga lugar o naapektuhan ng bagyo.

Partikular na nakatanggap at gumamit nito ay mga pamilya na nananatili sa mga evacuation centers.

Ang isang chlorine tablet ay kayang maglinis ng 20 litro ng tubig at pagkalipas ng 30 minuto matapos bumula ang tableta ay ligtas at maaari na itong inumin.

Isa rin sa hangarin ng DOH ay maiwasan ang sakit lalo na ang diarrhea na kadalasan nararamdaman ng mga indibidwal na nasa evacuation centers.

Kung kaya’t dahil dito, patuloy na gumagawa ng hakbang ang DOH para sa kaligtasan ng mga evacuees kung saan nakikipag-ugnayan sila sa mga lokal na pamahalaan para sa iba pang kakailanganing serbisyong medikal. Jocelyn Tabangcura-Domenden