MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na walang reklamo laban sa anumang aspirant na hinihinalang nuisance candidate sa kauna-unahang Bangsamoro election sa susunod na taon na inihain sa Comelec.
Gayunman, sinabi ni Comnelec George Erwin Garcia sa 1st National Convention of Election Officers sa Pasay City na ang deadline para sa filing ng reklamo laban sa nuisance candidate ay natapos na noong Nobyembre 14.
Kabuuang 109 aspirants para sa 65 parliamentary district seats ng Bangsamoro Autonomous region in Muslim Mindanao (BARMM) ang naghain ng kanilang certificates of candidacy sa Comelec.
Karamihan sa mga kandidato ay mula sa Lanao del Sur na may 41, sinundan ng Maguindanao del Norte na mayroong 24, Maguindanao del Sur na may 15, Tawi-Tawi na may 10, Basilan na may 14 at BARMM Special Geographic Area na may 5 kandidato.
Bagamat sinabi ng Bangsamoro Organic Law na ang BARRM parliament ay mayroong 80 pwesto, 65 lamang ang paglalabanan sa 2025 elections.
Sa 65 pwesto, nakalaan ang 25 sa parliamentary district representatives habang ang iba o 40 ay nakareserba para sa regional parliamentary political parties na kapareho sa party-list system sa House of Representatives.
Walong pwesto rin ang ibibigay sa sectoral groups, na dapat nahalal sa kani-kanilang conventions o assembly at hiwalay mula sa parliamentary polls.
Pitong pwesto ay dapat para sa Sulu,ngunit hindi na bahagi ng BARMM ang Sulu. Jocelyn Tabangcura-Domenden