Home ENTERTAINMENT Gabby, inaming sumbungan ni Andi!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Gabby, inaming sumbungan ni Andi!July 6, 2025 10:13 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Aware si Gabby Eigenmann sa mga nangyayari sa kanyang kapatid na si Andy sa piling nito kay Philmar Alipayo.Sumbungan pala ang Kapuso actor lalo na when the couple was going through some rough patch early this year.‘Yun nga lang, Gabby isn’t the type who’ll meddle in his sis’ private affairs.Unang-una na raw ay adult na ito–a mature one who can think and decide for herself.Ganoon din daw ang surfer partner nito.Pero hindi nangangahulugan na ang ‘di pangingialam ni Gabby ay wala siyang pakialam sa buhay ng kapatid.Ke mag-agree raw siya o hindi sa gustong gawin ni Andi ay nasa sa kanya ‘yon.Naniniwala naman daw kasi si Gabby na in the end ay mareresolba rin nina Andi at Philmar ang kanilang problema.Which was exactly the case sa kabila ng walang habas na hanash ng kapatid sa social media.Matatandaang pinagselosan ni Andy ang babaeng inakala niyang kaibigan, only to realize na ahas pala ito.Worse, “wolf in sheep’s clothing.”Nahilot na lang ang isyu nang bumisita ang lolo’t lola ni Andi sa Siargao.Ang mga ito’y sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil na magulang ng yumao niyang amang si Mark Gil. Ronnie Carrasco III