Home ENTERTAINMENT Gabby, nag-aalangang dumalaw sa dating manager!

Gabby, nag-aalangang dumalaw sa dating manager!

Manila, Philippines – Ang yumaong Carlos Palanca awardee na si Floy Quintos pala ang nag-a-arrange ng pagdalaw ni Gabby Concepcion sa dati niyang manager.

The actor’s former manager ay si Lolit Solis.

Aware pala si Gabby na sumasailalim sa dialysis twice a week si Lolit.

Since meron naman silang pinagsamahan until the Manila filmfest scam in 1994 ay nililingon pa rin ‘yon ni Gabby.

Ang playright at director ngang si Floy ang personal na nag-aayos ng pagbisita ni Gabby kay Lolit.

It was through Floy na gustong makatiyak ni Gabby kung okey lang kay Lolit na dalawin siya nito.

When relayed to Lolit ay wala naman daw problema, as in welcome ang aktor on days of her dialysis sessions.

Obyus na nag-aalangan ang alumpihit na aktor like Shakespearean’s Hamlet who poses “to be or not to be” question.

Matagal-tagal na ring hindi nagkikita nang personal sina Gabby at Lolit although nagkausap na sila.

Kung matatandaan, tinangka pa noon ni Lolit na sadyain si Gabby sa tinitirhan nito sa Amerika bilang feature story sana ng Startalk during the late 90s.

Isa kasi si Lolit sa mga pioneer hosts ng nasabing programa na dinirek ni Floy.

Kaso, wrong timing ang pagpunta ni Lolit as Gabby wasn’t around.

Nakabalik na’t lahat sa showbiz si Gabby yet hindi pa rin pinagtitiyap ng tadhanang magkita sila nang personal ng dating manager.

Magpa-manage kaya uli si Gabby kay Lolit, o pagdamay lang dito ang hangarin niyang makita ito uli after decades? Ronnie Carrasco III