MANILA, Philippines – Naghahanda na ang Barangay Ginebra sa pagbawi sa TNT Tropang Giga matapos silang matalo sa Game 1 sa iskor na 104-88 sa kailang PBA Governors’ Cup best-of-seven finals noong Linggo sa Ynares Center sa Antipolo.
Matatandaang umasa sa malakas na simula ang Tropang Giga nang lumamang ito sa 27-15 sa unang quarter bago nila nakuha ang 43-37 abante sa kalahati.
Nanguna ang TNT ng aabot sa 20 puntos, 89-69, may 7:31 ang nalalabi sa fourth period kung saan umiskor si Rey Nambatac ng 10 puntos sa unang apat na minuto ng nasabing frame para hilahin ang Tropang Giga sa panalo.
“Walang sikreto sa laro namin. Depensa talaga namin. Akala ko panalo talaga yung depensa namin sa laro ngayong gabi,” ani TNT head coach Chot Reyes.
Sa kanyang unang PBA finals appearance, napatunayang mahalaga si Rey Nambatac para sa TNT na may 18 puntos, 10 rebounds, pitong assit, at dalawang steals sa Game 1.
Si Justine Brownlee ay may 23 puntos, habang si Japeth Aguilar ay may 14 puntos para sa Barangay Ginebra.JC