MANILA, Philippines – Hinimok ng Gabriela party-list ang Comelec na iproklama sila bilang nanalo sa May 12 elections sa gitna ng posibleng disqualification ng Duterte Youth
“Hinihikayat namin kayong isaalang-alang ang aming apela para sa tunay na representasyon, lalo na para sa mga marginalized sectors tulad ng nakararaming mahihirap na kababaihan sa bansa,” sabi ng grupo sa isang liham nila kay Comelec Chairperson George Garcia.
“We appeal to the Commission to proclaim the most consistent champion of women’s and people’s rights in Congress — the Gabriela party-list,” ayon pa sa grupo.
Pumuwesto ang Gabriela sa ika-55 na pwesto na may 256,811 boto sa party-list race noong Mayo 12. Gayunpaman, ang nangungunang 54 na grupo lamang ang nakakuha ng sapat na boto upang makakuha ng mga puwesto sa House of Representatives.
Sa 54 na party-list groups, 53 na ang naiproklama ng National Board of Canvassers.
Pumangalawa ang Duterte Youth na may 2,338,564 boto, ngunit pinigil ang proklamasyon nito dahil sa nakabinbing kaso sa Comelec.
Tumanggi si Garcia na talakayin ang kaso ng Duterte Youth habang nakabinbin ang motion for reconsideration nito.