Home NATIONWIDE Gabriela Rep. Elago, pinadi-disbar ‘bastos’ na abogado

Gabriela Rep. Elago, pinadi-disbar ‘bastos’ na abogado

182
0

MANILA, Philippines – Nagsampa ng disbarment case si Gabriela party-list Representative Sarah Elago nitong Huwebes laban sa isang abogado dahil sa bastos at hindi magalang na pahayag, na ayon sa kanya ay layong siraan at patahimikin ang kababaihan.

Kinumpirma ni Elago na isinumite ang reklamo sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Pasig. Aniya, ang hakbang ay para ipagtanggol hindi lamang ang kanyang dangal kundi pati ang dangal ng mga kababaihang Pilipino na nakakaranas ng sexism, harassment, at misogyny.

“Naniniwala kami na nilabag ng abogado ang kanilang code of conduct para sa professional responsibility at accountability. Kaya ito ay isinumite o isusumite sa IBP,” dagdag niya.

Inilarawan ni Elago ang kaso bilang “pakikibaka para sa bawat babaeng biktima ng pang-aabuso” at binigyang-diin na magpapatuloy ang laban sa loob at labas ng Kongreso. Hindi niya inihayag ang pangalan ng abogado dahil sa pagiging kumpidensiyal ng disbarment proceedings ng IBP.

Aniya pa, makakatulong ang pagsasalita upang mapigilan, kung hindi man tuluyang itigil, ang sistemikong misogyny. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here