Home OPINION GAGAWIN SA WPS ANO NA NGAYON?

GAGAWIN SA WPS ANO NA NGAYON?

ANG natatandaan ko, pangalawa nang
pambobomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa
ating Philippine Coast Guard ang naganap sa
Ayungin shoal kamakailan lang.

May pambobomba na noong Nobyembre 2021.
Naganap ang mga ito habang naghahatid ng suplay
ang PCG para sa mga sundalong Pinoy na
nakatalaga sa nakasadsad na barko ng Philippine
Navy sa lugar.

Ang barkong BRP Sierra Madre sa lugar noong
pang 1999 ay tanda ng claim ng sovereign right
natin sa ilalim ng Exclusive Economic Zone.
Kabilang sa mga bumubuo sa sovereign right ang
karapatan na kumuha sa mga yamang-dagat gaya
ng mga isda at mineral o iba’t ibang uri ng langis,
protektahan ang lugar laban sa polusyon at pirata at
iba pa.

Ngunit hindi katulad ng sovereign right ang
sovereign territory na pag-angkin sa buong lugar
bilang teritoryo ng isang bansa.

Sa sovereign territory, hindi lang economic exclusive
zone at sovereign right ang pinaiiral kundi lubos na
pag-angkin sa lugar at walang sinomang
pupwedeng pumasok nang walang pahintulot mula
sa may teritoryo sa lugar.

Dito nagkakaroon ng hindi pagkakasundo ang
Pilipinas at China sa Ayungin Shoal.

Ang pinanghahawakan ng Pilipinas na desisyon
umano ng Permanent Court of Arbitration, ayon sa
ilang kritiko, hindi talaga sa PCA kundi sa lima-
kataong binuo lang ng United States para gumawa
ng desisyon.

Dapat sana, sa International Tribunal for the Law of
the Sea na nilikha para sa mga sigalot ukol sa
United Nations Convention of the Law of the Sea
isinampa ang kaso.

Pero mananatili ang katotohanang sovereign
territory ang lakad ng China na mas malakas sa
sovereign right ng Pilipinas.

Panahon nang linawin ang pagkakaiba ng dalawang
claim at huwag pagmukhaing sovereign territory ang
desisyon ng 5-katao at hindi ng PCA.

Ito’y para maitama ang interes ng Pinas sa Ayungin
Shoal at maayos ang relasyon nito sa China.