Home NATIONWIDE Galaw ng China sa Ayungin Shoal, kakaiba – PH Navy

Galaw ng China sa Ayungin Shoal, kakaiba – PH Navy

240
0

MANILA, Philippines – PINUNA ng Philippine Navy ang tinawag nitong “unusual” Chinese activities malapit sa Ayungin (Second Thomas) Shoal, kung saan pinananatili ng Maynila ang maliit na detachment sa nakasadsad na BRP Sierra Madre.

Sinabi ng Rear Adm. Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng Philippine Navy for the West Philippine Sea (WPS) na may 25 Chinese vessels at dalawang aircraft ang namataan sa paligid ng shoal.

Kabilang sa namataan ang 11 na mas maliit na service boats, 5 na mas malaking barko, 9 na maritime militia vessels, kasama ang helicopter at isang drone.

Makikita sa video na ipinalabas ng Armed Forces of the Philippines na tinangka ng bangka ng China Coast Guard na lumapit sa Sierra Madre, kung saan ang mga Filipino troops ay naka-stationed.

“It is unusual, although we are used to them,” ang sinabi ni Trinidad sabay sabng “It’s unusual for them to show weapons, to drop nets that can impede watercraft, and to demonstrate their water cannons.”

Tinuran ni Trinidad na inalis ng tropa ang fishing nets na inilatag ng Chinese vessels noong August 20, inilarawan ito bilang sinadya upang hadlangan ang resupply missions. Sinabi pa rin nito na may isang nakataklob na heavy machine gun ang naobserbahan sa Chinese vessel.

Sa kabila ng nadagdagang presensiya ng mga intsik, sinabi ni Trinidad na “morale aboard the Sierra Madre remains high.”

“They know what they are facing… and the most important thing is that we are convinced of the legitimacy of our stand. This is for the country, for the future of Filipinos,” anito.

Ayaw namang isipin ni Trinidad na ang insidente ay konektado sa kamakailan lamang na pagkilos ng intsik malapit sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal), sabay sabing nakatuon ang military sa ‘monitoring at reporting.’

Sa ulat, dalawang barko ng Tsina ang nagbanggaan habang hinahabol ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) malapit sa Scarborough Shoal sa West Philippine Sea noong Lunes, Agosto 11.

Ayon kay PCG spokesperson Jay Tarriela, hinahabol ng CCG vessel 3104 ang BRP Suluan sa  silangan ng Scarborough Shoal nang magtangka itong gumawa ng mapanganib na maniobra mula sa hulihang kanang bahagi ng barko ng PCG.

Dahil dito, bumangga ang CCG vessel sa Navy ship ng ng People’s Liberation Army (PLA) Navy at nagkaroon ng pinsala sa unahang bahagi ng deck. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here