Home HOME BANNER STORY Galaw ni VP Sara makakaapekto sa badyet ng OVP – Pimentel

Galaw ni VP Sara makakaapekto sa badyet ng OVP – Pimentel

MANILA, Philippines – Mapipilitan ang Kongreso na magdesisyon laban sa pagbibigay ng karagdagang badyet sa susunod na taon, sa Office of the Vice President, ang mga naging asta ni Vice President Sara Duterte kamakailan.

Kaugnay ito ng naging pahayag ni Duterte kung saan pinagbantaan nito ang buhay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., asawang si Liza, at House Speaker Martin Romualdez.

“This latest development can affect the budget of the OVP (Office of the President). We may decide that with her behavior, she and her office do not deserve more budget,” sinabi ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III nitong Lunes, Nobyembre 25.

Nang tanungin kung siya mismo ay haharang din sa hakbang na dagdagan pa ang pondo ng OVP, sinabi ni Pimentel na “(I) will listen first to the reasoning behind the proposal.”

Pending pa sa Senado ang P6.352 trilyong national budget para sa 2025, at kabilang dito ang proposed P733.1 milyong badyet para sa OVP.

Ang budget proposal para sa OVP ay mas mababa sa orihinal na request ng Malakanyang na P2.03 bilyon. Ito ay makaraang tapyasan ito ng P1.3 bilyon ng Kamara.

Kalaunan ay inaprubahan ng Senate committee on finance ang budget cut at inadopt sa plenaryo kasabay ng mga interpelasyon.

“May kinausap na ako na tao. Sinabi ko sa kanya, ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Liza Araneta, at si Martin Romualdez.’ No joke, no joke. Nagbilin na ako,” maaalalang sinabi ni Duterte sa isang online press conference.

“Threats to the lives of high government officials and their family members must be thoroughly investigated especially by the NBI,” sinabi naman ni Pimentel.

“Also we need to get the identity of that person that VP talked to, who gave her that assurance that he can carry out the assassinations. Who is that person?” tanong pa niya. RNT/JGC