Home NATIONWIDE Galicia pwedeng masuspinde kung mapatunayang nagsinungaling na nakita si Alice Guo

Galicia pwedeng masuspinde kung mapatunayang nagsinungaling na nakita si Alice Guo

MANILA, Philippines – Posibleng maharap sa kasong perjury at masuspinde pa ang lisensya sa oras na mapatunayang nagsinungaling si Atty. Elmer Galicia, abogado na nagsabing personal niyang nakita si dismissed Bamban Mayor Alice Guo noong Agosto 14.

Ito ang sinabi ni National Bureau of Investigation Director Jaime Santiago sa joint press conference kasama si Immigration Commissioner Norman Tansingco at Justice Assistant Secretary at spokesperson Mico Clavano nitong Biyernes, Agosto 23.

“Ang ethics namin at ang rule, kapag magpapanotaryo ka, you must personally appear before me if I am the notary public,” dagdag ni Santiago.

“Well, pe-pwede sigurong papasok sa perjury. But administratively, bilang abogado siya, it may cause his license or suspension kung mapatunayan na nagsisinungaling siya,” dagdag niya.

Si Galicia ang abogadong nagnotaryo ng counter-affidavit ni Guo na nananawagan ng dismissal ng kanyang qualified human trafficking complaint.

Binubusisi ang notarization ng counter-affidavit ni Guo noong Agosto 14 matapos ibunyag ng Bureau of Immigration na ang dating alcalde ay “illegally traveled to Malaysia as early as July.”

“Hindi pa natin alam kung sino nagsasabi ng totoo. Kung nagsasabi ba si Atty. Galicia ng totoo na [noong August] 14 nandito pa si Alice, hindi pa natin maconfirm or deny,” ani Santiago. RNT/JGC