Home METRO Galing sa reunion: 6 patay, 9 sugatan sa van na sumalpok sa...

Galing sa reunion: 6 patay, 9 sugatan sa van na sumalpok sa puno

CAVITE – Patay ang anim na indibidwal habang siyam ang sugatan matapos na sumalpok ang nirentahang van sa isang puno sa Naic, Cavite.

Napag-alaman na ang mga magkakaanak na biktima ay galing sa isang reunion sa Bicol.

Base sa imbestigasyon na nakatulog umano ang drayber na nasawi sa insidente at mabilis umano ang pagpapatakbo nito.

Papunta na sa Quezon City ang van at may ihahatid lang sa Cavite nang mangyari ang aksidente.

“Ang usapan ay sa Cubao sila dapat sila ihahatid dahil halos karamihan dito puro mga taga-Antipolo. Kaya lang, ‘yung isa na sakay ay taga-Naic, naikiusap ‘yung taga-Naic na i-drop by muna siya doon sa Naic,” ayon kay Leiutenant Coronel Chester Noel Borlongan, hepe ng Naic Police Station, sa isang ulat. RNT

Previous articleSatellite pharmacy para sa Embo citizens binuksan ng Taguig
Next articleNationwide cleanup drive