Home NATIONWIDE Galvez sa MILF: Sagupaan sa Basilan na ikinamatay ng 2 sundalo, talupan

Galvez sa MILF: Sagupaan sa Basilan na ikinamatay ng 2 sundalo, talupan

MANILA, Philippines – Hinimok ni Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr. ang pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na magsagawa ng imbestigasyon sa isang engkwentro sa Basilan na ikinasawi ng dalawang sundalo.

Nangyari ang insidente noong Miyerkules nang atakihin ng dalawang armadong grupo ang mga tropa ng 32nd Infantry Battalion habang patungo sila sa United Nations Development Programme (UNDP) sa Sumisip, Basilan.

Sa insidente, napatay ang dalawang sundalo at labing-dalawa ang nasugatan. Ang isa sa mga grupong sangkot ay sinasabing may kaugnayan sa MILF.

Hiniling ni Galvez sa MILF na tumulong sa pagtukoy at pagpaparusa sa mga may sala.

Upang mapababa ang tensyon, ipinadala ng mga ahensya ng gobyerno ang mga peace mechanism tulad ng Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities at Joint Peace and Security Committee.

Sinunog din ng mga armadong grupo ang isang military truck sa insidente.

Ayon kay Brigadier General Alvin Luzon ng 101st Infantry Battalion, pinagbabaril ang mga tropa mula sa mga lawless elements na pinamumunuan nina Najal Buena at Oman Hajal Jalis, na kilala sa mga karahasan sa lugar, at isang pangkat na may kaugnayan sa MILF.

Nagpahayag ng kalungkutan si Luzon at Galvez sa insidente at nagbigay-pugay sa mga pamilya ng mga pumanaw na sundalo. RNT