Isang magnitude 5.8 na lindol ang tumama sa San Francisco, Southern Leyte, nitong Huwebes ng umaga bandang 7:39 a.m., ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ang lindol ay nangyari sa dagat, anim na kilometro mula sa San Francisco, na may lalim na 14 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Iba’t ibang intensity ang naiulat ng PHIVOLCS sa rehiyon: intensity VI sa San Francisco, intensity V sa ilang bayan ng Southern Leyte, at intensity IV sa ilang bahagi ng Leyte at Southern Leyte.
Ang mga mababang intensity ay naiulat din sa Cebu at Cagayan de Oro.
Bagamat inaasahan ang mga aftershock, iniulat ng PHIVOLCS ang siyam na aftershock na may magnitudes na hanggang 2.9.
May ilang gusali sa Panaon Island, Southern Leyte, na nagkaroon ng pagkasira at mga bitak.
Tiniyak ng PHIVOLCS na ang lindol ay hindi sapat upang magdulot ng tsunami. (Santi Celario)