Home NATIONWIDE Alituntunin sa pamimigay ng work permit sa dayuhan nirebisa ng DOLE

Alituntunin sa pamimigay ng work permit sa dayuhan nirebisa ng DOLE

MANILA, Philippines – Pinalakas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga alituntunin sa pagtatrabaho ng dayuhang manggagawa sa Pilipinas.

Ito ay matapos na lagdaan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang Department Order No. 248, s. 2025, na nagtatakda ng mga bagong alituntunin at regulasyon sa pagtatrabaho ng mga dayuhang mamamayan sa bansa, na kilala bilang “Alien Employment Permit (AEP) Guidelines.” noong Hulyo 20, 2925

Ayon sa DOLE, ang binagong alituntunin ng AEP ay kumakatawan sa isang makabuluhang hakbang tungo sa rationalizing requirements at pagsasaayos ng proseso ng employment permits para sa mga dayuhan.

Bukod dito, naglalayong rin na balansehin ang pagsulong ng pamumuhunan, protektahan ang lokal na paggawa, at tiyakin ang paglilipat ng mga kasanayan sa mga manggagawang Pilipino.

Sa nakalipas na tatlong taon, ang DOLE ay naglabas ng kabuuang 192,573 AEP sa mga dayuhang nagtatrabaho sa iba’t ibang industriya.

Ang pinalakas na AEP guidelines ay naglalayong palakasin ang foreign direct investment (FDI) na pagtiyak ng maayos na proseso sa larangan ng pagnenegosyo.

Layon din nito na pagtibayin ang pinagsama at pinasimpleng pamamaraan upang maiwasan ang red tape at bumilis ang transaksyon sa pamahalaan.

Ayon sa DOLE, makikibang sa mga repormang ito ang mga employer sa mga priority sa pamamagitan ng mga pinabilis na proseso na magpapatibay sa posisyon ng Pilipinas bilang competitive at investor-friendly na destinasyon sa rehiyon.

Kabilang na ang pagtiyak sa mga dayuhang manggagawa ay mag-aambag sa mga prayoridad na sektor, umaayon sa mga layunin ng pambansang kaunlaran, at igalang ang mga karapatan ng mga manggagawang Pilipino.

Sa ilalim ng bagong mga alituntunin, ang labor market test ay pinasimple at isinama sa isang publikasyon sa isang pahayagan ng pangkalahatang sirkulasyon.

Isa pang tampok na bahagi ng alituntunin ng DOLE ang pagtatatag ng mekanismo upang matiyak ang paglilipat ng mga kasanayan at pagbabahagi ng kaalaman sa pagitan ng mga dayuhan at katapat na Pilipino sa pamamagitan ng “Understudy Training Program and Skills Development Program,” na dapat ipatupad ng mga employer na kumukuha ng mga dayuhang mamamayan.

Ang pagsasagawa ng Economic Needs Test (ENT), isang kritikal na pamantayan para sa pagsusuri ng mga aplikasyon ng AEP ay nakasaad din sa alituntunin.

Tinatasa ng ENT kung kinakailangang kumuha ng dayuhang manggagawa batay sa hanay ng mga kwalipikadong manggagawang Pilipino. Ang panukalang ito ay naglalayong pangalagaan ang mga lokal na oportunidad sa trabaho at sasailalim sa mga pampublikong konsultasyon sa mga darating na buwan upang tiyakin na inklusibo at ang kahalagahan nito. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)