Home NATIONWIDE ‘Gang 15 bagyo posibleng pumasok sa Pinas sa 6 buwan – PAGASA

‘Gang 15 bagyo posibleng pumasok sa Pinas sa 6 buwan – PAGASA

297
0

MANILA, Philippines — Sinabi ng PAGASA na posibleng umabot sa 15 bagyo ang pumasok o mabuo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mula Setyembre 2025 hanggang Pebrero 2026.

Tinatayang may dalawa hanggang apat na bagyo mula Setyembre hanggang Oktubre, dalawa hanggang tatlo sa Nobyembre, isa hanggang dalawa sa Disyembre, at wala o isa sa Enero at Pebrero.

Kasalukuyang binabantayan din ang isang low pressure area (LPA) na nasa 730 kilometro hilagang-silangan ng Virac, Catanduanes. Mababa ang tsansa nitong maging tropical depression pero posibleng magdala, kasama ng Habagat, ng malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

Nagbabala ang PAGASA laban sa flash floods at landslides dulot ng katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here