Home METRO Marikina police chief, sibak kaugnay ng reklamo ng lady cop na pangmomolestya...

Marikina police chief, sibak kaugnay ng reklamo ng lady cop na pangmomolestya vs 2 pulis

330
0

MANILA, Philippines — Sinibak sa puwesto ang hepe ng Marikina Police dahil sa prinsipyo ng command responsibility matapos ang reklamong isinampa ng isang babaeng pulis na umano’y minolestiya ng dalawa niyang kasamahan.

Kinumpirma ni Eastern Police District (EPD) director Police Brig. Gen. Aden Lagradante nitong Lunes na “administratively relieved” ang opisyal habang iniimbestigahan kung may naging pagkukulang siya sa pagsubaybay sa kanyang mga tauhan.

Batay sa ulat, Agosto 17 nang ayain ng dalawang suspek—isang police staff sergeant at patrolman—ang kanilang babaeng kasamahan para magkape. Sa halip na pumunta sa café, dinala umano nila ito sa isang liblib na lugar, nag-park, at doon nangyari ang pangmomolestiya.

Nakahain ang reklamo ng biktima noong Agosto 27 laban sa dalawang pulis na kinasuhan ng sexual assault at acts of lasciviousness.

Kasunod nito, inilagay na sa restrictive custody ang dalawang akusado habang iniimbestigahan ang kaso. Mariin nilang itinanggi ang paratang. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here