Home METRO Gangster, laglag sa tsongki; 1 pa timbog sa P122K bato sa Bulacan

Gangster, laglag sa tsongki; 1 pa timbog sa P122K bato sa Bulacan

MANILA, Philippines – Arestado ang isang criminal gang member na umano’y nabilhan at nahulihan ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Hagonoy.

Sa report na nakarating kay Bulacan Police director P/Col. Relly Arnedo, nakilala ang naarestong si Christian Javier na kilalang miyembro ng Zapata Robbery and Drug Criminal Group.

Ayon sa report, ikinasa ang operasyon ng Hagonoy police katuwang ang Bulacan Provincial Intelligence Unit at Regional Intelligence Unit 3 nitong Hunyo 1 sa Brgy. Sta. Monica.

Nakumpiska sa operasyon ang 10 sachets na hinihinalang marijuana at marked money.
Sinasabing ang Zapata Robbery and Drug Criminal Group ay kumikilos sa lalawigan ng Bulacan.

Naaresto naman ng San Jose Del Monte police si Melvin Marsan ng Sapang Lamig, Brgy. Minuyan sa kaparehong operasyon, petsa na umano’y nahulihan ng nasa 18 gramo, na may estimated total P122,400 ng hinihinalang shabu at marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa mga istasyong dumampot sa kanila. Dick Mirasol III