Home NATIONWIDE 6 na bagong parokya, itatatag ng Archdiocese of Lipa

6 na bagong parokya, itatatag ng Archdiocese of Lipa

MANILA, Philippines – Magtatatag ng anim na bagong parokya ang Archdiocese of Lipa sa ilalim ng nasasakupan nito.

Ayon kay Archbishop Gilbert Garcera, lilikhain ang mga bagong parokya sa Barangay Laiya sa bayan ng San Juan; Barangay Dacanlao sa Calaca City; Barangay Pinagbayanan sa Taysan; Barangay Anilao sa Mabini; Barangay Manghinao sa Bauan; at Barangay Natunuan sa San Jose.

Binigyan diin ng Arsobispo na ang paglikha ng bagong parokya ay bilang tugon sa pangangailangang pastoral ng dumaraming populasyon sa Archdiocese na sumasaklaw sa buong lalawigan ng Batangas.

Sa kamakailang circular, ang pinuno ng archdiocese ay ipinag-utos na sa lahat ng parist priest sa nasabing lugar na magsimula ng kaukulang paghahanda para sa paglikha ng bagong parokya.

Inatasan din sila ng Arsobispo na turuan ang mga mananampalataya sa pamamagitan ng katekismo at evangelization sessions hanggang maitalaga ang priest-in-charge.

1910 nang ang Lipa ay nilikha bilang isang diyosesis at itinaas sa kasalukuyang katayuan nito noong 1972.

Sa ilalim ng arkidiyosesis ay ang mga lalawigang suffragan ng Boac, Gumaca, Lucena, at Prelatura ng Infanta.

Ito ay kasalukuyang binubuo ng 66 na parokya at nahahati sa 14 na vicariates. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article30-day suspension ng QC Legal Department sa kapitan ng barangay, ‘di tinanggap
Next articleGangster, laglag sa tsongki; 1 pa timbog sa P122K bato sa Bulacan