Home METRO 30-day suspension ng QC Legal Department sa kapitan ng barangay, ‘di tinanggap

30-day suspension ng QC Legal Department sa kapitan ng barangay, ‘di tinanggap

MANILA, Philippines – HINDI tinanggap ni Barangay Pasong Tamo Chairman Mae Tagle ang dapat sana’y isisilbing suspension order dito ng mga abogado ng QC Legal Department sa pagpapatupad ng 30-days suspension na isinampa laban sa naturang kapitan.

Pansamantalang natigil ng ilang minuto ang mga abogado ng QC Legal Department nitong Biyernes, Hunyo 2 sa tanggapan ng Barangay Hall ng Brgy. Pasong Tamo habang isinisilbi ang suspension order ng naturang kapitan matapos umanong hindi humarap ang huli sa representative ng QC Legal Department.

Wala rin gustong tumanggap na mga tauhan ng barangay sa dapat sana ay suspension order mula sa representative ng QC Legal Department sa pangunguna ni Atty. Macky Libanan.

Nauna rito, pinatawan ng 30-day suspension ng Quezon City Council Special Investigation Committee (SIC) ang nabanggit na kapitan ng barangay dahil sa kasong paglabag sa Grave Misconduct Abuse of Authority and Gross Negligence.

Kaugnay nito ipinaliwanag ni Libanan na dahil walang gustong tumanggap sa suspension order sa naturang Kapitan, nagdesisyon na lamang itong i-post ang natuarng kautusan sa pintuan at pader ng barangay.

Nabatid na sinuspinde si Tagle nang sampahan ng kaso ng complainant na si Marcelo Raguindiaz, Fire Volunteer ng Brgy. Pasong Tamong, QC matapos umanong tanggalin ang 19 na fire volunteer ng barangay. Santi Celario

Previous articleTravel agency sa QC kinandado sa illegal recruitment
Next article6 na bagong parokya, itatatag ng Archdiocese of Lipa