Home HOME BANNER STORY Garma, Leonardo kakasuhan sa pagpatay sa ex-PCSO executive

Garma, Leonardo kakasuhan sa pagpatay sa ex-PCSO executive

MANILA, Philippines – Hinihintay ng mga opisyal ang pirma ng biyuda ng retiradong heneral at dating executive ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na si Wesley Barayuga sa reklamong pagpatay laban sa mga personalidad na umano’y sangkot sa pagpatay sa kanyang asawa.

“Meron na pong nakaprepare na affidavit. Kung meron pa pong idadagdag po doon sa affidavit ay open ang PNP,” ani PNP spokesperson Brigadier General Jean Fajardo.

Kabilang sa mga posibleng respondent sa reklamo ay sina dating National Police Commission commissioner Edilberto Leonardo, ex-PCSO general manager Royina Garma, Lieutenant Colonel Santie Mendoza, police officer Nelson Mariano, at isang alyas Loloy, nya umano’ hired gunman.

Ipinag-utos umano nina Garma at Leonardo ang pagpatay, habang hinanap nina Mendoza at Mariano ang hitman.

Kasama rin sa reklamo ang mga tauhan ng PCSO na si Sergeant Jeremy Causapin alyas Toks, na umano’y nag-abot ng bayad mula kay Garma.

Samantala, ipagpapatuloy ng PNP ang imbestigasyon sa mga isiniwalat ni Garma sa pagdinig ng QuadComm kaugnay ng umano’y reward system para sa mga pulis na makakapatay ng mga drug suspect sa panahon ng nakaraang administrasyon. RNT