Home ENTERTAINMENT Gary V, ligtas na!

Gary V, ligtas na!

Manila, Philippines – Wala nang dapat ipag-alala ang mga fans ni Gary Valenciano–he’s out of the woods.

Bitin kasi ang mga nagsipanood ng Gary V Mr. Pure Energy: One More Time nitong December 20 sa Smart Araneta Coliseum.

Bago na-pack up ang kanyang concert ay nagpasintabi na si Gary sa audience na baka raw hindi niya ito maitatawid dala ng kanyang masamang kundisyon.

Kinailangan siyang dalhin sa isang undisclosed hospital.

Ayon sa updates sa Facebook ng kanyang misis na si Angeli Pangilinan, may nakain daw si Gary–dahilan para magsuka ito nang makailang beses.

Si Gary ay may Type 1 diabetes.

May mga doktor daw na nakaantabay sa backstage.

Kabilang dito’y ang pinsang buo ni Angeli na si Dr. Chad Hizon.

Napag-alamang ang panghihina ni Gary ay dahil dehydrated siya bunga ng walong beses na pagsusuka.

Nakaanim na kanta muna ang singer bago na-cut short ang kanyang pagtatanghal.

Kinailangan din daw magpalit si Gary ng kanyang repertoire.

Sa bandang huli, masayang ipinost ni Angeli na okey na ang vitals ng kanyang mister at normal na rin ang blood pressure nito.

Pinawi rin mismo ni Gary ang sobrang pag-aalala ng kanyang mga tagahanga.

May kasabihan ngang: “It happens to the best of us!”

Isa rin ang napagtanto ng Valenciano couple–God is good all the time! Ronnie Carrasco III