Home ENTERTAINMENT Gary V, sinita sa title ng concert!

Gary V, sinita sa title ng concert!

Manila, Philippines – Kaakibat ng edad ay ilang pisikal na pagbabago.

And Gary Valenciano admits to being well aware of that.

Sinita kasi siya ng kanyang team sa huli nilang pag-uusap.

Inalmahan kasi ng grupo ng binansagang Mr. Pure Energy ang ginamit niyang pamagat sa nalalapit niyang concert in April sa SM MOA.

Alarming daw kasi ang title na One Last Time.

“You don’t say ‘last’!” Gary quoted his team to have bluntly told him.

Ipinaliwanag naman ni Gary V na siya’y 59 taong gulang na.

And like any human being daw ay napapagod din at nasasaid din ang enerhiya.

“I don’t want people to say na, ‘Ang galing pa rin niya pero hinihingal na!’ Maybe my next concert will be two-three years from now, I’ll be 62 by then!” aniya.

Dyinustify naman niya ang title by saying na ibibigay na raw niya ang todo-todo sa dalawang gabi ng pagtatanghal na ‘yon.

Dahil he has no one to share the big stage with, in his words ay “hataw kung hataw” ang ginamit niya.

In a sense, last solo all-out concert na raw niya ‘yon.

But Gary V assured his fans na ang mga susunod daw niyang pagtatanghal ay pakikipag-collab na with other artists.

For the record, sa kabila ng mga health issues na pinagdaanan ni Gary V ay hindi nakaapekto ‘yon sa kanyang performance.

Aside from being Diabetic 1, dumanas at nalampasan din ni Gary V ang kidney cancer at heart problem. Ronnie Carrasco III

Previous articleTapyas-buwis sa stock transactions, lotto winnings aprub na sa Kamara
Next articleBRP Gabriela, PCG, Navy pumosisyon sa Benham Rise sa pag-aligid ng 2 barko ng Tsina