MANILA, Philippines — Ipinusisyon ng Philippine Coast Guard ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301) para sa dalawang linggong misyon sa Batanes at Benham Rise simula Lunes, Marso 4, 2024.
Ayon kay PCG spokesperson CG Rear Admiral Armando Balilo, magpapatrolya ang sasakyang pandagat sa paligid ng tubig upang magsagawa ng maritime domain awareness, paigtingin ang presensya ng Coast Guard sa Northern Luzon, at subaybayan ang mga lokal na mangingisda.
“We will also check the reported Chinese research vessels sa Benham Rise,” dagdag pa ni CG Rear Admiral Balilo furthered.
Ang kahbang ay matapos na iulat ng isang maritime analyst ng US na namataang umaaligid ang dalawang Chinese research vessels sa resource-rich Philippine Rise sa silangan ng Luzon.
Sa isang post sa X, sinabi ng dating opisyal ng United States Air Force at ex-Defense Attaché Ray Powell na ang mga sasakyang pandagat ng China na Haiyang Dizhi Liuhao at Haiyang Dizhi Shihao ay naglayag mula sa Longque Island sa lalawigan ng Guangzhou noong Pebrero 26 at lumipat sa silangan-timog-silangan sa pamamagitan ng Luzon Strait.
Batay sa mapa na kanyang ipinakita, ang mga sasakyang pandagat ay naglayag sa pagitan ng Basco, Batanes, at mga isla sa labas ng pangunahing isla ng Luzon.
Samantala, sinabi rin ni National Security Council Director General Jonathan Malaya na ang BRP Gabriela Silang ay “magsasagawa ng mga aktibidad sa pagpapatupad ng batas.”
“Inutusan na namin ang Philippine Coast Guard at ang Philippine Navy na bisitahin kaagad ang Philippine Rise,” dagdag pa niya.
“The Philippine Navy is also doing the same… Magpapadala din tayo ng karagdagang eroplano para imonitor ang area,” aniya pa.
Samantala, naka-standby ang mga air asset ng Coast Guard Aviation Force para sa posibleng augmentation, partikular sa pagsasagawa ng aerial surveillance. RNT