Home METRO Gasolinahan, hinoldap ng dating trabahador

Gasolinahan, hinoldap ng dating trabahador

MANILA, Philippines – Isang gasolinahan ang hinoldap ng dating empleyado nito sa ahabaan ng Governors Drive, Brgy Paliparan 1, Dasmarinas City, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas ‘Gelo,’ nasa hustong gulang na iningusong suspek sa panghoholdap at dating gasoline boy ng Phoenix Gasoline Station.

Base sa ginawang imbestigasyon ng pulisya at sa salaysay ni alyas ‘Jotge,’ 33, cashier ng Phoenix Gasoline Station, dakong ala-1:14 ng madaling araw habang nasa loob siya ng opisina nang pumasok ang suspek na armado ng patalim.

Dito na nagdeklara ng holdap at puwersahang tinangay ang tinatayang humigit kumulang P40,000.00 cash na kita ng nasabing gasolinahan, at mabilis na tumakas matapos ang krimen. Margie Bautista