Home NATIONWIDE Double pay sa mga nagtrabaho ng Abril 9, 10 – DOLE

Double pay sa mga nagtrabaho ng Abril 9, 10 – DOLE

MANILA, Philippines – Dapat makatanggap ng 200 porsiyento o dodobelhin ang kanilang sahod ang mga empleyado sa pribadong sektor na pumasok sa trabaho noong Abril 9 (Araw ng Kagitingan) at April 10 (Eid’l Fitr).

Sa Labor Advisory No.06, series of 2024, pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employers na sumunod sa pay rules para sa dalawang regular holidays.

“For work done during the regular holiday, the employer shall pay a total of 200% of the employees’ wage for that day for the first eight hours,” sabi ng DOLE sa advisory.

Samantala, para sa trabaho na ipinasok na sobra sa walong oras o verrine sa panahon ng regular holiday, ang empleyado ay dapat makatanggap ng karagdagang 30 porsiyento ng hourly rate sa nasabing araw, o katumbas ng hourly rate ng basic wage x 200% x 130% x bilang ng oras ng trabaho.

Kapag nagtrabaho naman sa regular holiday, ang employee na pumatak sa kanyang pahinga o rest day, ang employer ay dapat magbayad sa empleyado ng karagdagang 30% ng basic wage ng 200% [basic wage x 200% x 130%].”

“For work done in excess of eight hours during a regular holiday that also falls on the employee’s rest date, the employer shall pay the employee an additional 30% of the hourly rate on said day [hourly rate of the basic wage x 200% x 130% x 130% x number of hours worked],” sabi ng DOLE.

Bukod dito, kapag ang empleyado ay hindi mag-report sa kanyang duty sa panahon ng regular holiday, siya ay makakatanggap pa rin ng 100% ng kanyang sahod para sa araw na “sa kondisyon na ang empleyado ay nag-uulat sa trabaho o sa bakasyon na may bayad sa araw na iyon bago ang regular holiday.”

“Where the day immediately preceding the regular holiday is non-working date in the establishment or the scheduled rest day of the employee, he/she shall be entitled to holiday pay if the employee reports to work or is in on leave of absence with pay on the day immediately preceding the non-working day or rest day [basic wage x 100%,” sabi pa ng DOLE. Jocelyn Tabangcura-Domenden