Ito ang tahasang stand ni Regine Velasquez patungkol sa mga nagsusulong na dapat siyang tanghaling susunod na National Artist for Music.
Ang huli to have received such recognition for the same field ay si Maestro Ryan Cayabyab.
Ang panawagan naman kay Regine ay bunsod ng pagkakahirang sa Asia’s Songbird sa Billboard Philippines 1st Women in Music Awards.
Ayon sa Facebook Reel ni Darla Sauler, flattered ang singer sa clamor ng kanyang mga tagasuporta, citing her career in music spanning more than three decades.
Pero nilinaw ng maybahay ni Ogie Alcasid, hindi pa raw tamang panahong gawaran siya ng naturang parangal.
“I still have a long way to go,” mapagkumbabang pahayag niya.
If she thinks it’s not her time yet, then who does Regine think should be the next recipient of the award?
Aniya, “I would want to see Pilita Corrales or Jose Mari Chan. Sila ‘yung para sa akin ang karapat-dapat mauna kesa ako.”
Samantala, makaantig-puso ang naging acceptance speech ni Regine sa Billboard Philippines.
Para kasi sa kanya, hindi ang kanyang pagiging isang mang-aawit ang itinuturing niyang legacy na maiiwan niya kundi ang pagiging ina ng anak nila ni Ogie na si Nate. Ronnie Carrasco III