Home ENTERTAINMENT Atty. Oliver, pumoporma kay Kim?

Atty. Oliver, pumoporma kay Kim?

Manila, Philippines – Isa nang hearthrob sensation ang abogado ng Cebu na si Atty. Oliver Moeller after nitong sumali sa nakaraang episode ng “Expecially for You,” isang segment sa It’s Showtime.

Sa nasabing episode, nakasalang ang dating Ms.U Philippines Michelle Dee kasama ang inang si Melanie Marquez, dating Miss International.

Wagi ang searchee from Cebu na look-alike ni Piolo Pascual at mula noon, bukambibig na sa social media ang guwapong abogado.

Diumano’y nag-date sa isang resto sina Michelle at Atty. Oliver, part ng kanilang premyo.

Pero nagulat ang madlang pipol at It’s Showtime host na si Vice Ganda nang muling bumalik si Atty. para bisitahin ang Showtime family.

Agad na tinanong si Atty. Moeller kung sino ang pakay niyang bisitahin, si Kim Chiu ba na kanyang kababayan na taga-Cebu din?

Sagot naman ni Atty, “Lahat ng Showtime family.”

Sa hiwalay na panayam kay Atty. Oliver ng ABS-CBN correspondent MJ Felipe, tinanong siya kung si Kim ba ang kanyang binabalikan?

“I find her sweet,” tipid nitong sagot.

Kasunod ng tanong ay kung ang kanyang paglantad ay dahil nais niyang mag-artista?

“I still don’t know, ” at nais lamang niyang tuparin ang showbiz aspect ng kanyang buhay after niyang lumantad.

Hindi rin tinigilan ng madlang netizens ang isyu kung bakit in-unfollow na ni Michelle si Atty. Oliver sa kanyang Facebook account.

Napansin ng ilang netizens na tila binura na raw ng beauty queen ang larawan nila ni Oliver.

Could it be nagseselos siya dahil si Kim ang pino-pursue ni Oliver at hindi siya?

May naglalabasan kasi na balita na nililigawan ni Oliver si Kim pero sa ngayon, wala pa itong kumpirmasyon. Ador Saluta