Home METRO P3.7M marijuana nasabat ng PDEA

P3.7M marijuana nasabat ng PDEA

La Trinidad, Benguet- Nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency ang P3.7 milyong halaga ng marijuana sa isang buy-bust operation sa Barangay Betag sa lugar na ito nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ng ahensya ang mga suspek na sina Levis Paoway Panangen, 26, at Alvin Daiso lid-ayan, 21, kapwa high-value target drug personalities.

Nasamsam sa mga suspek ang 31 elongated dried marijuana leaves with stalks at fruiting tops na may bigat na tig-isang kilo at nakabalot sa brown packaging tape.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA ang mga suspek na mahaharap sa drug-related cases. RNT/SA