Home METRO Rider, angkas tigok sa closed van

Rider, angkas tigok sa closed van

ILOCOS SUR- Dedbol pareho ang isang 55-anyos na lalaki at ang babaeng angkas nito matapos ang aksidenteng banggaan ng kanilang motorsiklo at aluminum closed van sa Brgy. San Pablo, San Esteban ng lalawigang ito nitong Miyerkules, Mayo 1.

Kinilala ng San Esteban Municipal Station ang driver ng Honda ADV motorcycle na si Joseph Curbi Tuscano, 55, residente ng Brgy. Patoc, Bucay, Abra at ang angkas nito na si Geraldine Garcia Loleng, 56, residente ng San Roque, San Manuel, Pangasinan.

Kinilala naman ang driver ng Isuzu aluminum closed van na si Manuel Francisco Nepomuceno, Jr., walang asawa, tubong-Balasan, Iloilo, nakatira sa Batong Dalig, Kawit, Cavite.

Kasama nito sa loob ng sasakyan ang helper nitong si Rhybert Delfin Sibayan, 27, may asawa, residente ng Urbiztondo, Pangasinan.

Patungong hilagang direksyon sa national highway ng naturang lugar ang closed van samantalang papunta naman sa kabilang direksyon ang motorsiklo.

Pagdating sa pakurbang parte ng kalsada, nagkasalubong ang dalawang sasakyan at nagbanggaan.

Parehong sugatan ang driver ng motorsiklo at ang angkas nito na agad dinala sa Ilocos Sur District Hospital sa Narvacan, Ilocos Sur.

Gayunman, ang dalawa ay parehong idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Nagtamo naman ng slight injuries ang driver ng closed van na agad ding dinala sa naturang hospital. Rolando S. Gamoso