Home METRO Gasolinahan sa Benguet, ninakawan ng mga armadong lalaki

Gasolinahan sa Benguet, ninakawan ng mga armadong lalaki

59
0

BENGUET, Philippines – Ninakawan ng mga armadong lalaki ang isang gasolinahan sa Benguet at tinangay ang humigit-kumulang ₱260,000 na kita, ayon sa ulat ng pulisya.

Ayon sa imbestigasyon, bigla na lamang dumating ang mga suspek at tinutukan ng baril ang mga empleyado ng gasolinahan bago kunin ang pera mula sa benta.

Matapos ang insidente, agad na tumakas ang mga salarin at kasalukuyang iniimbestigahan at tinutugis pa ng mga awtoridad.

Wala pang inilalabas na detalye kung ilan ang mga suspek o kung ano ang kanilang pagkakakilanlan, habang patuloy ang operasyon ng pulisya para sa kanilang agarang pagkakadakip.

Iniulat din na ligtas naman ang mga biktima ngunit nagulantang sa insidente.

Patuloy ang paalala ng mga awtoridad sa mga establisyimento na maging mas maingat at magpatupad ng mas mahigpit na seguridad lalo na sa mga oras ng madaling araw. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here