Home IN PHOTOS Mga kaanak ng nawawalang sabungero, itinangging umatras sa kaso

Mga kaanak ng nawawalang sabungero, itinangging umatras sa kaso

58
0

Itinanggi ng mga kaanak ng nawawalang mga “sabungero” mula sa Hagonoy, Bulacan na iniwan o inabandona nila ang kaso kaugnay ng pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ayon sa kanila, pinayuhan umano sila na hindi kinakailangang dumalo sa pagdinig maliban kung sila ay partikular na ipapatawag ng korte.

Binanggit din ng mga pamilya ang mabigat na gastusin sa biyahe dahil kailangan pa nilang bumiyahe mula Bulacan papuntang Laguna upang makadalo sa hearing.

Dahil dito, sinabi nilang hindi totoo ang mga alegasyong wala na silang interes na ituloy ang kaso laban sa mga sangkot sa pagkawala ng mga sabungero.

Patuloy naman nilang hinihiling ang hustisya at pag-usad ng imbestigasyon upang mabigyang-linaw ang pagkawala ng kanilang mga kaanak. DANNY QUERUBIN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here