Home NATIONWIDE Gastos ng mga kandidato sa socmed para sa Eleksyon 2025 babantayan ng...

Gastos ng mga kandidato sa socmed para sa Eleksyon 2025 babantayan ng Comelec

177
0

MANILA, Philippines- Susuriin ng Commission on Elections (Comelec) ang mga gastos sa kampanya ng mga kandidato sa 2025 midterm polls sa social media, sinabi ng chairperson nitong Huwebes.

Binanggit ni Chairperson George Erwin Garcia ang Republic Act 9006 o ang Fair Election Act para sa regulasyon kung saan hindi pwedeng talakayin ang artificial intelligence (AI) at deepflakes nang hindi tatalakayin ang isyu ng social media.

“Radyo, dyaryo, TV, nareregulate ng Comelec…pero ang medyo hindi na-define nang maayos at maliwanag ay ang issue ng social media,” sabi ni Garcia sa forum sa papel ng AI sa Mayo 2025 elections.

Nauna nang nanawagan ang Comelec para sa paggawa ng mga batas na nagpapahintulot sa kanila na i-regulate ang mga post sa social media ng mga kandidato para maiwasan ang pagkalat ng disinformation at pagbabawal ng AI at deepfake sa campaign materials para sa 2025 midterm polls.

Sa kasalukuyan ay walang mga batas na nagbabawal sa paggamit ng mga deepfakes. Ngunit isang House bill ang inihain noong nakaraang taon na naglalayong magpataw ng mas mabigat na parusa para sa paggamit ng deepfake na teknolohiya sa paggawa ng mga krimen, na may parusang isang antas na mas mataas kaysa sa mga itinakda sa Revised Penal Code o mga kaukulang batas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here