Home METRO Gatchalian: Gastusin ng magulang mababawasan sa three-Year College Education Act

Gatchalian: Gastusin ng magulang mababawasan sa three-Year College Education Act

301
0

MANILA, Philippines – Layunin ng panukalang gawin tatlong taon lamang ang kolehiyo na tulungan ang magulang sa gastusin sa pag-aaral, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian nitong Linggo sa panayam.

 “Hindi natin ito ginawa para magtipid ang gobyerno. Ginawa natin ito para makapagtipid ang mga magulang,” ayon kay Gatchalian sa interview ng Super Radyo dzBB.

Kabilang dito ang gastushin sa pamasahe, renta sa dormitory at halaga ng project at field trips.

Aniya, may ilang kurso sa mga nakaraang taon ang muling pinag-aaralan sa kolehiyo.

“Imbis na kukunin lang ulit yung kinuha nung elementarya, PE is an example na binabayaran ng magulang ng four semesters, ibuhos niya na lang ang oras niya sa concentration,” ayon kay Gatchalian.

Ilan sa priority bill ni Gatchalian sa   20th Congress ang Three-Year College Education Act, na papayagan ang Commission on Higher Education (CHED) na paikliin ang degree programs na hindi hihigit sa tatlong academic years.

“The proposed measure provides that all general education courses shall be integrated and completed at the senior high school level and seeks to ensure students’ readiness to go to college and provide them more time for internships and advanced specialization,” ayon kay Gatchalian. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here