RIZAL, Philippines – Tatlo ang patay sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa San Mateo, Rizal Linggo ng madaling araw.
Sinabi ng Bureau of Fire Protection na nagsimula ang sunog halos alas-2 ng madaling-araw at itinaas ng BFP ang unang alarma. Alas-2:59 ng madaling araw, nagdeklara ng fire out ang BFP. Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang BFP para matukoy ang sanhi ng sunog at tinatayang halaga ng pinsala.
Ang mga nasawi ay isang 60-anyos na babae, ang kanyang 30-anyos na anak na babae, gayundin ang 28-anyos na asawa ng kanyang anak na babae.
Isang tao naman ang nasugatan, ang 64-anyos na asawa ng biktima. Tumalon ang sugatang biktima mula sa nasusunog na dalawang palapag na bahay at nagtamo ng first-degree burns. Siya ay nagpapagaling sa isang ospital.
Sinabi ng BFP na nilamon ng apoy ang ancestral home ng mga biktima na gawa sa light materials. RNT/MND