Home METRO Fruit vendor, dedo sa pananaksak ng helper

Fruit vendor, dedo sa pananaksak ng helper

TACLOBAN CITY – Isang 60-anyos na babaeng tindera ng prutas ang umano’y pinagsasaksak ng kanyang katulong, Linggo, Hulyo 6, sa Calbayog City Public Market.

Sinabi ng pulisya na narinig ng isang saksi ang biktima na nagsusumamo para sa kanyang buhay.

Nakita ng saksi ang 20-anyos na suspek na may hawak na kutsilyo, at pinagsasaksak ng ilang beses sa katawan ang biktima. Humingi ng tulong ang saksi at ang suspek ay inaresto ng isang pulis sa palengke.

Dinala ang biktima at idineklarang patay sa Calbayog District Hospital. Humiling ang pulisya ng post-mortem examination ng biktima.

Ayon sa suspek madalas siyang napapagalitan ng biktima. RNT/MND