Home NATIONWIDE Gatchalian: Jobs-skills mismatch tutugunan ng National Education, Workforce Development Plan

Gatchalian: Jobs-skills mismatch tutugunan ng National Education, Workforce Development Plan

183
0

MANILA, Philippines – Gagabayan ng National Education at Workforce Development Plan na inilunsad ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) ang direksyon ng pamahalaan sa pagtugon sa jobs-skills mismatch, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian.

Ang National Education Plan (NatPlan) ay isang roadmap para sa susunod na dekada upang matiyak ang maigting na ugnayan sa pagitan ng pamahalaan, mga paaralan, mga lokal na pinuno, at mga komunidad sa pagpapatupad ng mga reporma sa edukasyon at workforce development.

Bahagi ng mga prayoridad ng NatPlan ang pagsuporta sa early childhood development; pagpapatatag ng functional literacy; paglinang sa critical thinking, digital skills, at kahandaan ng mga graduates sa trabaho, edukasyon, at technical-vocational education at training.

Binibigyang prayoridad din ang pagpapalawak sa access sa dekalidad na edukasyon sa kolehiyo, pati na rin ang pagpapatatag ng governance at resource allocation.

May limang industriyang binibigyang prayoridad ng Workforce Development Plan: advanced manufacturing, digital technology, healthcare, financial services, at tourism.

Pinili ang mga sektor na ito batay sa kalidad ng mga trabahong malilikha, sa kapasidad na magbigay ng trabaho sa mga rehiyon, potensyal ng paglago, at tinatayang halagang maidadagdag sa ekonomiya.

“Kailangan natin ang pangmatagalang direksyon upang masolusyonan ang krisis sa edukasyon. Hindi na pwede ang business-as-usual, ang kailangan natin ay maigting na ugnayan upang mapatatag ang sistema ng ating edukasyon,” ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Finance. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here