Home NATIONWIDE Gatchalian-led majority kinikilala ng mga relevant authorities – Lacson

Gatchalian-led majority kinikilala ng mga relevant authorities – Lacson

4
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na wala nang dapat pagdudahan ang mga empleyado ng Senado kung sino ang kanilang susundin dahil kinikilala na ng Civil Service Commission at iba pang ahensya ang liderato ng grupong pinamumunuan ni Senate President Pro Tempore at Acting Senate President Sherwin Gatchalian.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Lacson na ang pagkilala ng Malacañang, House of Representatives, Civil Service Commission, Integrated Bar of the Philippines (IBP), at iba pang grupo sa pamunuan ni Gatchalian ay malinaw na indikasyon kung sino ang lehitimong liderato ng Senado.

“Maliwanag naman sa atin kung sinong kinikilala ng Malacañang, ng House of Representatives, ng Civil Service Commission, ng IBP, at kung ano-ano pa ang mga grupo, kung sinong kinikilala talaga na liderato sa Senate,” ani Lacson.

Idinagdag niya na ang mga inilalabas na “utos” ng kampo ni dating Senate President Alan Peter Cayetano ay nagdudulot lamang ng kalituhan.

“So maliwanag na panggulo yung ginagawa ni Senator Alan, with all due respect, na nakaka-confuse, nakakagulo,” dagdag niya.

Ayon pa kay Lacson, nakikipagpulong si Gatchalian sa mga department head at committee secretary upang paalalahanan silang sumunod lamang sa mga legal at opisyal na direktiba, at tiniyak na poprotektahan sila ng kasalukuyang liderato.

Patuloy ang alitan sa pamunuan ng Senado matapos mahalal si Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at acting Senate president kasunod ng ilang araw ng kaguluhan at kanselasyon ng mga sesyon.

Gayunman, hindi kinikilala ni Cayetano ang pagbabago sa liderato at patuloy niyang tinututulan ang awtoridad ng bagong mayoryang bloke. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here