Home NATIONWIDE Gatchalian, nanawagan sa pagpapalawak ng Kadiwa Store vs price hike sa pagkain

Gatchalian, nanawagan sa pagpapalawak ng Kadiwa Store vs price hike sa pagkain

120
0
NAG-IKOT si Navotas Mayor John Rey Tiangco sa Kadiwa ng Pangulo upang tignan ang ibat-ibang murang paninda gaya ng murang bigas, gulay, prutas, at iba pang local products sa lungsod. JOJO RABULAN

MANILA, Philippines – Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Agriculture (DA) na palawakin ang paglalatag ng mga Kadiwa store upang makapagbigay ng murang mga bilihin sa mga sektor na apektado kasunod ng sigalot sa Gitnang Silangan.

Ayon sa senador, dapat masakop ang mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs) upang matiyak na ang mga vulnerable sectors tulad ng mga senior citizen, solo parent, Persons With Disabilities (PWD), at mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ay may access sa mga pangunahing pagkain.

Binigyang-diin ni Gatchalian na mismong ang DA ang nagbigay ng projection na tataas ang presyo ng pagkain dahil sa pagmahal ng presyo ng petrolyo.

Ang panawagang ito ni Gatchalian ay kabilang sa mga mungkahi ng Senate PROTECT Committee, na kanyang pinamumunuan.

“Dapat abot-kaya ang murang bilihin ng bawat Pilipino, hindi lang sa Metro Manila kundi hanggang sa pinakamalayong komunidad, dahil lahat tayo ay apektado ng krisis sa Middle East,” ayon sa senador.

Binanggit din niya na ang isang mahalagang bahagi ng proyekyong Kadiwa ng Pangulo ay ang Rice for All Program, kung saan binibili ng gobyerno ang palay mula sa mga magsasaka at ibinebenta ang bigas sa mas abot-kayang presyo.

“Ang pagpapalawak sa saklaw ng programa ay direktang susuporta rin sa lokal na ekonomiya ng agrikultura sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga magsasaka ng garantisadong merkado para sa kanilang mga ani,” aniya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here