Home NATIONWIDE Gatchalian sa AMLC: Large transactions sa gov’t bank, suriin; corruption sugpuin

Gatchalian sa AMLC: Large transactions sa gov’t bank, suriin; corruption sugpuin

1
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni Senate President Win Gatchalian na dapat aktibong suriin ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang mga transaksyon sa bangko para sa mga programa at proyekto ng gobyerno upang epektibong masugpo ang korapsyon.

Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na hindi matukoy ng AMLC ng corruption dahil ang daming mga dokumento na pumapasok na hindi nilama-analyze.

“Ngunit para sa akin, hindi ‘yan katanggap-tanggap dahil ‘yan mismo ang dahilan kung bakit umiiral ang AMLC: upang pigilan ang lahat ng krimeng ito bago pa mangyari o lumala nang sabay-sabay,” sinabi ni Gatchalian sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa ginanap na pagdinig sa Senado ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ukol sa panukalang 2027 pambansang badyet.

Tinutukoy ng Senate President ang testimonya sa isang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa kontrobersyal na mga proyekto sa flood control ni Sally Santos, may-ari ng Syms Construction Trading, kung saan naglabas siya ng malalaking cash withdrawal na umabot sa ₱457 milyon sa loob ng dalawang araw.

Ang pera ay ginamit bilang kickback o pambayad sa mga opisyal ng DPWH.

Nangyari ito habang ang AMLC ay binigyan ng karagdagang alokasyon sa badyet na ₱162 milyon sa ilalim ng 2026 badyet upang mapabuti ang kakayahan ng ahensya na matukoy ang mga kaduda-dudang transaksyon.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here