Pope Francis gestures as he appears for the first time since his return to the Vatican, in Saint Peter square, at the Vatican, April 6, 2025. REUTERS/Remo Casilli TPX IMAGES OF THE DAY
MANILA, Philippines- Lumabas si Pope Francis sa St. Peter’s Square noong Linggo sa isang open-air popemobile sa unang pagkakataon mula nang makaligtas sa double pneumonia at binati ang libo-libong mga Katoliko pagkatapos ng pagdiriwang ng Vatican ng Easter Mass.
Si Fracis na limitado ang trabaho dahil na rin sa utos ng kanyang doktor ay hind nanguna sa Easter Mass ng Vatican ngunit nagpakita sa pagtatapos ng kaganapan para sa dalawang beses na taunang pagpapala at mensahe na kilala bilang “Urbi et Orbi.”
Sa isang mensahe ng Pasko ng Pagkabuhay na binasa nang malakas ng isang aide habang nakatingin ang papa mula sa pangunahing balkonahe ng St. Peter’s Basilica, inulit ng pontiff ang kanyang panawagan para sa isang agarang tigil-putukan sa Gaza.
Sinabi ng papa sa kanyang Easter message na ang sitwasyon sa Gaza ay “dramatic and deplorable.” Nanawagan din ang papa sa Palestinian militant group Hamas na pakawalan ang natitirang bihag at kinondena ang sinabi niyang “nakababahala” na trend ng antisemitism sa mundo.
Bago nong Linggo, nakipagpulong si Francis sa Vatican kasama si US Vice President JD Vance na bumibisita sa Italya noong weekend.
Sinabi ng Vatican na ang pagpupulong kay Vance ay maikli, nagtagal ng ilang minuto upang makipagpalitan ng mga pagbati sa Pasko ng Pagkabuhay. Jocelyn Tabangcura-Domenden